PINANGUNAHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes kasama sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at iba pang opisyal ng lungsod ang paglulunsad ng "Yes to Ayos" campaign na ginanap sa Potrero Elementary School sa Barangay Potrero, Malabon City.Ang "Yes to Ayos” ay isang kampanyang naglalayong isulong ang civic responsibility at pagpapabuti ng pag-uugali sa Lipunan, palakasin ang mga programang nagtataguyod ng kultura ng disiplina.Ang Malabon City ang kauna-unahang local government unit (LGU) sa Metro Manila kung saan sinimulan ang Yes to Ayos campaign ng MMDA. JOJO RABULAN