Home SPORTS Yulo, 2 swimmer nasa training camp na sa Metz

Yulo, 2 swimmer nasa training camp na sa Metz

MANILA, Philippines — Pumasok na sa training camp sina gymnast Carlos Yulo at ang mga tanker na sina Kayla Sanchez at Jarod Hatch sa Metz, France bilang paghahanda sa Paris-Olympics.

Dumating ang tatlo noong weekend at sumali sa unang batch na umalis sa bansa noong nakaraang linggo para sa isang buwang pagsasanay bago ang tamang kompetisyon na itinakda Hulyo 26 hanggang Agosto, 11 sa French capital.

Malugod silang tinanggap mismo ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Bahagi ang pagsasanay sa Metz ng panghuling paghahanda ng Nationals bago sumabak sa labanan sa Paris kung saan umaasa silang malampasan, kung hindi man mapantayan, ang Tokyo Games haul ng isang ginto, dalawang pilak at isang tanso.