Home SPORTS Yulo swak sa vault, parallel bars finals sa FIG World Cup

Yulo swak sa vault, parallel bars finals sa FIG World Cup

148
0

Pasok na sa finals ng vault at parallel bars ng FIG Artistic Gymnastic World Cup sa Doha si Filipino Olympic gymnast Carlos Yulo kahapon.

Si Yulo, na naka-punch na ng tiket sa Paris Olympics, ay pumangalawa sa parehong apparatus matapos magtala ng 14.966 sa vault at 14.633 sa parallel bars.

Sa kanyang unang vault, nagtala ang Filipino gymnast ng score na 15.300 sa kanyang unang vault, na nanguna sa field. Pagkatapos ay nakakuha siya ng 14.633 sa kanyang pangalawang vault, na naglunsad sa kanya sa pangalawang pwesto.

Nagtapos siya sa likod ni Artur Davtyan ng Armania, na may average na iskor na 15.116.

Kuwalipikado rin sa final sina Audrys Nin Reyes ng Dominican Republic, James Bacueti ng Australia, Niccolo Vannucchi ng Italy, Chun Chen Ng ng Malaysia, Aurel Benovic ng Croatia at Yahor Sharamkou ng Belarus.

Sa parallel bars, ang 24-anyos na si Yulo ay nagtapos sa likod ng Uzbekistan’s Rasuljon Abdurakhimov na may score na 14.900.

Sina Yuan-Hsi Hung ng Taipei, Diogo Soares ng Brazil, Milad Karimi ng Kazakhstan, Caio Souza ng Brazil at Lay Giannini ng Italy at Nicolo Mozzato ay qualified din sa final ng parallel bars.

Samantala, ang Pinoy bet na si Levi Ruivivar ay qualified sa finals ng uneven bars para panatilihing buhay ang kanyang Olympic dream.

Nagtapos siya ng score na 13.200, maganda para sa ikawalong pwesto.

Kasama rin sa finals ng hindi unvens bars sina Kaylia Nemour ng Algeria, Alena Tsitavets ng Belarus, Georgia-Rose Brown ng New Zealand, Nathalie Westlund ng Sweden, Filipina Martins ng Portugal, Maellyse Brassart ng Belgium at Anna Lashchevska ng Ukraine.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here