Home ENTERTAINMENT Zaijan, di pa nababasted!

Zaijan, di pa nababasted!

Manila, Philippines – Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka kaya maman it’s very normal na ma-basted o ma-reject ng nililligawan mo pero it’s different with Zaijan Jaranilla.

At the age of 23, ipinagmalaki kasi ng dating child star na never pa itong na-reject o na-basted ng isang babae. Naks!

Sa interview nito sa TWBA o Tonight With Boy Abunda, tinanong ito ni Tito Boy kung ano ang difference ng character nito sa High Street series na si Rex kumpara sa totoong Zaijan Jaranilla, “Siguro po pagkakaiba namin, eh, never pa po akong na-reject ng babae.”

Aminado si Jaranilla na torpe ito in real life pero hindi pa talaga naranasang tanggihan ng babae.

Ano ba ang sikreto? For sure gusto itong malaman ng mga lalaki!

Pagdalaw raw sa pamilya ang paraan ng aktor para kilalanin ang mga ito at pinapakita rin niya ang pagmamahal o intensyon sa isang tao through actions.

Go, try it mga ka-Remate! Take it from Zaijan Jaranilla! Paula Jonabelle Ignacio