MANILA, Philippines – Napaulat na kasama ng dating mambabatas na si Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang kanyang pamilya nang maharang at isailalim sa random check sa border ng Germany mula Czech Republic.
Ayon sa isang source, magkakasama sina Co at pamilya nito sakay ng isang kotse na may French license plates at minamaneho ng isang French driver nang sumailalim sila sa border check.
Ang mas mahigpit na border control ng Germany na markado ng temporary at random checks ay hanggang unang linggo lamang ng Abril ngunit pinalawig hanggang Setyembre 15.
Hindi pa malinaw kung sino sa kapamilya ni Co ang kasama niya ngunit kabilang ang mga ito sa isinailalim sa random border check ng mga awtoridad sa Germany.
Nang walang maipakitang travel documents, sila ay pinabalik sa Czech Republic.
“He is considered an unwanted alien because he had no travel papers,” ayon kay Interior Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla.
Sinabi pa ni Remulla na hindi dalat ni Co ang Portuguese passport nang tumawid sa border.