MANILA, Philippines – Nagbitiw na bilang Congressman sa 20th Congress si Ako Bicol Rep Zaldy Co.
Sa tatlong pahinang resignation letter ni Co na natanggap ng Office of the Speaker ng alas-2:35 ng hapon ng Setyembre 29, sinabi nito na mabigat man ang kanyang puso ay nagpaabot ito ng pagbibitiw bilang kinatawan ng Mababang Kapulungan.
“On the account of the real, direct, grave and imminent threat to the lives of my family members and me, and the evident denial of my right to due process of law, I am constrained to tender with immediate effect my irrevocable resignation as a member of the House of Representatives” ayon kay Co.
Aniya, ang Ako Bicol Partylist ang syang mag-iimporma sa Kamara kung sino ang papalit sa kanya.
Nakasaad din sa liham ni Co ang sagot nito sa September 22 letter-complaint ni Navotas Rep. Toby Tiangco, giit ni Co, na ang lahat ng paratang laban sa kanya ay handa nyang sagutin.
Sa bintang ni Tiangco na sya ang nagmastermind sa last-minute insertions sa 2025 budget nang ito ang Chairman ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Co na ito ay pawang “baseless accusations”.
“I did not mastermind, tolerate or allow any supposed last minute-insertions and realignments in items in the 2025 GAA. All items in the 2025 GAA, including those stated in the corresponding Bicameral Report, were approved at plenary sessions and following the collegial process of both Houses of Congress. It is improbable, if not absolutely impossible, that I, on my own, could make any supposed “insertions” without the knowledge or approval of the members of both chambers of Congress,” paliwanag ni Co.
Aniya, ang 2025 GAA ay naisabatas nang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
“It was eventually signed into law by the President after what we, as members of the House of Representative, understood to be a thorough scrutiny by His Excellency of each and every item to ensure that everything is in order,” paliwanag ni Co.
Sinabi pa ni Co na may nakanbinbin na usapin sa Korte Suprema ukol sa validity ng 2025 GAA at habang wala pang desisyon ang Kataas taasang Hukuman ukol sa usapin ay pawang premature ang bintang ni Tiangco na ang 2025 GAA kabilang ang Bicameral Report ay hindi balido gayundin ay siya mismo ang gumawa ng insertions.
Hindi rin umano nya nilabag ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees nang umalis ito ng bansa para sa isang medical leave nang walang kaakibat na medical certificates gayundin ang pagpapakita ng kanyang pamilya ng kanilang sobra sobrang yaman.
Ipinaliwanag ni Co na walang requirement na magsumite sya ng medical certificates tuwing lalabas ng bansa, mula pa umano noong 2024 ay nagkukunsulta na sya sa kanyang mga doctor abroad.
Itinanggi din ni Co ang “extravagant display” ng kanilang yaman, giit ni Co, hindi naman nagbago ang kanilang lifestyle nang ito ay maging public official.
Ikatlo, itinaggi din ni Co ang paratang ni Tiangco na tumanggap ito ng kickbacks sa mga infrastructure projects na natanggap ng Sunwest Inc.
“I have not acquired or received personal pecuniary interest from such projects and I should not be penalized on the basis of Representative Tiangco’s mere speculation about this matter. Again, it is premature for Representative Tiangco to make such speculations considering that no court of law has made a determination as to whether or not I acquired or received anything from such projects,” paliwanag nito.
Sinabi pa ni Co na sa tamang panahon at tamang forum ay sasagutin nya ang mga paratang laban sa kanya.
Matatandaan na una nang binigyan ng ultimatum ng Kamara si Co na tatanggalin ang travel clearance nito at pinababalik ng bansa upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.
Ngayong araw, Setyembre 29, nagtapos ang 10 araw na ultimatum ni House Speaker Faustino Dy kay Co para bumalik ng bansa subalit nagbitiw na ito sa pwesto na nangangahulugan na wala nang hurisdiksyon ang Kamara sa mambabatas. Gail Mendoza