Home ENTERTAINMENT Zara, may paglilinaw, hindi gimik ang breakup sa ex!

Zara, may paglilinaw, hindi gimik ang breakup sa ex!

Manila, Philippines- Nilinaw ni Zara Lopez na hindi sila nagkabalikan ng ex-partner niyang social media influencer na si Simon Joseph Javier. After ng ilang months ng paghihiwalay, madalas makita ngayong magkasama ang dalawa with their one year old daughter na si Sapphire, sa kanilang mga content.

Wika ni Zara, “Simon and I are co-parenting right now. Mas pinili kong magpatawad not for him but for myself and nakita ko kung gaano kasaya yung anak namin ‘pag magkasama sila ng tatay niya. So, ano’ng karapatan ko para hadlangan yun? Yes nasaktan ako nang sobra, pero kaya kong isantabi yung pain na nararamdaman ko para sa kaligayahan ng anak ko.

“Same kay Reece (eldest ni Zara) noong una akong naging single mom, nakikita niya rin yung papa niya, kasi ayaw kong lumaki sila na may kulang, na hindi sila buo. Gusto ko makita nila na kahit nagkahiwalay yung parents is maayos yung situation. Pinaka-importante sa akin happiness ng kids ko, kasi sila yung happiness ko, sila yung buhay ko.

“I’m very happy na nag-reach out si Simon. I blocked him in all of my social media accounts, even his number naka-block. Then nagulat ako dumating siya nang walang pasabi sa condo and I accept him nang maayos. Kahit may galit ako sa kanya, hindi para bastusin ko siya kasi tatay pa rin siya ng anak ko. Mahal na mahal niya si Sapphire kaya roon naman ako saludo sa kanya.”

Sa last check namin, ang social media followers ni Zara ay 6.7 million sa Tiktok, 2 million sa Facebook, at 265k sa Instagram. Kaya mas active siya ngayon sa socmed kaysa sa showbiz.

Esplika pa ni Zara, “Sa mga basher… Nakakapagod honestly, na makabasa ng mga nagdududa at pinagkakakitaan lang daw namin.

“Vlogger kami, of course kahit sino gustong kumita, but it doesn’t mean na hindi totoo yung paghihiwalay namin. Hiwalay kami ng bahay, dito kami ng anak ko sa QC, siya naman sa Las Pinas. And nag-1st birthday si Sapphire ng wala si Simon, if content lang ito, hahayaan ba namin na wala ang daddy niya sa pinaka-importanteng araw ng anak namin? Parang sobra naman yata yun kung content man ito.”

Esplika pa ng dating member ng Viva Hot Babes, “Hindi kami ok noong nag-celebrate si Sapphire ng big birthday celebration niya and I didn’t invite him because I was in pain sa pinili niyang buhay na hindi kami ang kasama. Si Lord ang pinaka-nakakaalam lahat ng pain na pinagdaanan namin, lahat ng patak ng luha sa araw-araw, postpartum and depression na dinaanan ko, na hindi alam ng lahat. I heal myself alone for my kids, kasi they deserve the best. And yung mga kaibigan and family namin ang totoong nakakaalam ng pinagdaanan ng family namin.

“And kung mag-co parenting content kami, walang masama roon kasi kumikita kami roon and we need to do our best sa contents para sa anak namin and ako, para sa dalawang anak ko. We want to provide yung the best for our kids.

“So, bahala na po silang mag-isip, as long as kasama namin si Lord wala kaming dapat i-explain sa kanila, kasi wala silang alam sa buhay namin. And sana wala na lang pakialamanan ng buhay para mas may peace tayo sa heart,” mahabang wika pa ni Zara. Nonie Nicasio