Home ENTERTAINMENT Zel Fernandez, game sa pagpapakita ng lahat!

Zel Fernandez, game sa pagpapakita ng lahat!

Screenshot

Manila, Philippines – Ang newbie sexy actress na si Zel Fernandez ay tiyak na mapapansin sa first movie pa lang niya titled ‘Kalakal’.

Maglalaway ang maraming boys sa kanyang vital statistics na 36-25-36.

Ipinahayag ng katakam-takam na si Zel na pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula, wala raw siyang limitations at kaya niyang ipakita lahat.

Kuwento niya sa amin, “As of now po ang kaabang-abang na movie na nagawa ko ay ang ‘Kalakal,’ abangan nyo po soon on VMX app.

“Pagdating po sa pagpapa-sexy na ginawa ko rito sa movie, sa totoo lang, hindi ko po ma-imagine na magagawa ko ‘yun in real life. Pang-movie lang talaga yung role ko roon, hahaha!”

Aminadong bagong experience ito sa kanya, pero para sa dalaga ay walang masama rito dahil bahagi lang ito ng kanyang trabaho.

Esplika ni Zel, “Okay naman po, mixed emotions ako rito sa role ko sa Kalakal. Pero nakaya naman po dahil sa mababait na production people at mahusay na director namin na si direk Roman Perez.

“Kahit newcomer pa lang po ako na sumabak agad sa pa-sexy, masasabi kong part lang ito ng work ko and wala naman po sigurong masama basta may nakatakip na plaster, hahaha!

“Kidding aside, I’m a freelance model for almost eight years and up to now, so I’m used to it na po,” nakangiting wika pa ng hot na hot na talent ni Jojo Veloso.

Ano ang role niya sa movie?

“Ako po rito si Abby, ang makaka-love scenes ng dalawa pang babaeng bibida rin dito, sina Divine Villareal at Aliya Raymundo. Wala po akong limitations dito sa movie na ito.”

Walang limitations, ibig sabihin game niyang ipakita o ipasilip lahat?

Tugon niya, “Yes po, kapag sa movie game akong ipasilip ang lahat, basta kailangan talaga sa story po.”

Ayon pa sa sexy actress, mas type niyang kalampungan ang kapwa niya babae.

“Yes po, mas prefer ko nga po ang babae na ka-love scenes, eh, hahaha! Hindi po ako tibo ha, pero mas wala kasing ilangan sa amin, lalo na ‘pag kaibigan mo, mas madali ang work. Pero okay lang din naman po kung sa lalaki ako makikipag love scene,” nakangiting bulalas pa ni Zel. Nonie Nicasio