Home HOME BANNER STORY Zelenskyy: Ukraine magbubukas ng embahada sa Pinas

Zelenskyy: Ukraine magbubukas ng embahada sa Pinas

MANILA, Philippines- Magbubukas ang Ukraine ng embahada sa Pilipinas ngayong taon.

Sinabi ito ni Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Hunyo 3, 2024.

”This year we will open embassy in Manila,” ayon kay Zelenskyy.

Pinasalamatan din ni Zelenskyy ang Pilipinas para sa suporta nito sa gitna ng nagpapatuloy na armed conflict sa Russia.

Nauna rito, nagpahayag naman ng kanyang intensyon si Zelenskyy na mas palalimin pa ang kooperasyon sa Pilipinas partikular na sa international platforms.

Matatandaang inilunsad ng Russia ang full-scale invasion sa Ukraine noong Pebrero 24, 2022, kung saan sinabi ni President Vladimir Putin na ito’y “special military operation” para “ide-Nazify” ang bansa.

“Russia’s war in Ukraine has resulted in a terrible human cost, inflicting huge suffering on millions,” ayon sa United Nations.

Samantala, ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine ay itinatag noong Abril 7, 1992. Aktibong nakikipag-ugnayan naman ang dalawang bansa sa framework ng international organizations, partikular na sa United Nations. Kris Jose