Home METRO Zero balance billing para sa mga biktima ng pagsabog sa Tondo -DOH

Zero balance billing para sa mga biktima ng pagsabog sa Tondo -DOH

236
0

MANILA, Philippines – Wala nang babayaran sa ospital ang mga biktima na nasugatan sa pagsabog ng air compressor sa Tayuman, Tondo, ayon sa Department of Health (DOH)

Ayon sa DOH, ito ay dahil sa zero balance billing kung saan bayad na ang lahat ng gastusin sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) ng anim na nasugatan noong Linggo.

Alinsunod ito sa mandato ni Pangulong Bongbong Marcos na bayad na Bill Mo Programa o Zero Balance Billing sa basic accomodation ng DOH hospitals.

Ayon sa DOH, tatlo sa mga biktima ay sumailalim sa operasyon at nagpapagaling sa surgical intensive care unit habang ang isa naman ay ooperahan din dahil sa facial injury mula sa pagsabog.

Nagtamo naman ng traumatic brain injury ,multiple fractures sa magkabilang binti at matinding pinsala sa kanang braso at mga galos mula sa ulo hanggang dibdib ang pinakabata sa mga nasabugan –isang 14 anyos na lalaki.

Habang ang dalawa sa mga nasabing nasugatan ay agad ding pinauwi matapos na magtamo lamang ng mild injuries. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here