Home NATIONWIDE Zero maritime casualty target ng PCG sa Semana Santa

Zero maritime casualty target ng PCG sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Target ng Philippine Coast Guard (PCG) ang zero maritime casualty habang naghahanda para sa 2024 Holy Week.

Mula Marso 23 hanggang Abril 3, ilalagay na sa heightened alert ang PCG dahil ipinag-utos ni PCG Commandant Ronni Gava ang pinaigting na seaborne patrol at safety measures sa lahat ng daungan at waterways sa bansa.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, ito ay upang tiyakin ang maayos na operasyon ng sea transport facilities, convenient sea travel at kaligtasan ng mga lokal at dayuhang turista sa mga pangunahing beach at pribadong resort sa gitna ng inaasahang pagtaas ng dami ng maritime traffic.

Magkakaroon din ng 24/7 na pagsubaybay sa mga nautical highway sa western at eastern seaboards at inter-island route, habang ang CG medical officers at PCG Auxilliary volunteers ay ipapakalat para sa karagdagang tulong.

Inatasan din ni Gavan ang mga tauhan ng Coast Guard at mga boluntaryo ng PCGA na mag-ingat at pahabain ang pasensya sa mga pagsusuri ng pasahero at bagahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWalang katapusang dredging sa Zambales ng Chinese workers, pinaimbestigahan
Next articleMga pasaherong pinigilang makapasok ng BI, naipon sa NAIA