Home METRO Zero tolerance policy vs POGO mahigpit na ipinatutupad ng Pasay LGU

Zero tolerance policy vs POGO mahigpit na ipinatutupad ng Pasay LGU

MANILA, Philippines- Iginiit ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na 100% ang suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatigil ng operasyon ng POGO sa bansa.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na kanyang ipinagbabawal ang anumang aktibidad na lumalabag sa batas sa kanyang nasasakupang siyudad.

Ayon kay Calixto-Rubiano, kasalukuyang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na implementasyon at ito ay mananatili laban sa operasyon ng POGO sa lungsod.

Kabilang sa aksyon na ipinatutupad ng lungsod ay ang pagpapaigting ng monitoring, stringent regulatory enforcement, at walang humpay na kooperasyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

“We will not hesitate to take stern action against those who undermine our efforts to create a safe and peaceful environment for all Pasayeños,” ani Calixto-Rubiano.

Giit pa ni Calixto-Rubiano na mariin ang kanyang direktiba sa pagsugpo ng kahit anumang uri ng operasyon ng POGO kung saan kanya ring ipinag-utos ang karagdagang pagsisikap sa implementasyon ng kanyang kautusan at kung sino man ang lumabag ay nararapat na sampahan ng kaukulang kaso sa korte.

Nilinaw pa ni Calixto-Rubiano na nag-isyu ang lokal na pamahalaan ng business permits sa mahigit 13,000 establisimiyento ngayong taon kung saan dumaan ang mga ito sa mahigpit na eksaminasyon at wala kahit isang permit ay naisyu sa pagpapatakbo ng operasyon ng POGO sa lungsod.

Kasabay din nito ay nilinaw ni Calixto-Rubiano na ang mga nakaraang sinalakay na pasilidad ng POGO ay lihim at nag-ooperate nang patago sa mga discreet na lokasyon.

“Let me be clear: Pasay City has a zero-tolerance policy towards POGO operations, regardless of whether they are disguised, temporary, or operated as dummy entities. POGOs are not allowed in our city. This is not just a symbolic gesture; it reflects our commitment to eliminating POGO operations in our city,” ani pa Calixto-Rubiano. James I. Catapusan