Home NATIONWIDE Import ban sa panahon ng anihan, isusulong ng Alyansa

Import ban sa panahon ng anihan, isusulong ng Alyansa

DUMAGUETE CITY – Sagot namin kayong mga magsasaka!

Naglatag ang mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng mga serye ng polisiya na makakatulong patatagin ang sektor ng agrikultura, kabilang ang mga programa ng gobyerno sa pag-aangkat ng pagkain, ayudang pinansiyal at mas mahigpit na regulasyon sa pag-i-import.

Sa campaign sortie rito ng ‘Alyansa’ sa Negros Oriental nitong Huwebes, Pebrero 20, ipinagdiinan ni Makati Mayor Abby Binay ang kanyang adbokasiya sa mas malinaw na polisiya sa pagba-ban sa agricultural importation sa panahon ng anihan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga local farmers.

“I was informed that 80 percent of our sugars actually locally sourced, 20 percent we have to import. So, imagine if we become 100 percent reliant on local produce and we can even export our sugar. Ang laki po ng tulong nito sa ekonomiya ng Negros,” ayon kay Binay.

“Let us support our local farmers, stop the importation of high sucrose kasi iyun po ang kalaban ng ating local famers,” dagdag ng mayora. “So let us make a clear policy na kapag panahon ng ani, panahon ng harvest, no importation.”

Naglatag rin ng panukala si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magtatalaga sa gobyerno na bilihin ang 50 porsiyento sa mga ani ng mga magsasaka sa presyong hindi talo ang mga magbubukid.

“We are going to propose that 50% of all the outputs of all farmers of our agriculture products in the country, not only in Negros Oriental, be bought by the government at their farmgate price,” wika ni Sotto.

Ipinapakilala naman ni dating Senator Manny Pacquiao ang tinatawag nitong ‘PDC’ (Production, Distribution, Consumption) program.

“Gumawa po ako ng isang programa na mapaganda at makakatulong sa ating mga farmers. ‘Yong, tinatawag ko itong PDC—production, distribution, consumption—dahil doon po nasusukat lahat ng mga basic commodities na ginagamit ng tao araw-araw kung … kulang o sobra,” paliwanag ni Pacquiao.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Deputy Speaker Camille Villar ang kanyang pagsuporta sa mga legislative efforts sa Congress na nakakatulong sa mga magsasaka, partikular ang New Agrarian Emancipation Act, na nagpapatawad na sa mga utang ng lampas sa 600,000 mga magsasaka.

“Sinusuportahan natin lahat ng programa ng administrasyong Marcos sa pagsuporta sa agrikultura. One of the which is the New Agrarian Emancipation Act, which was passed in 2023. My mother Senator Cynthia Villar, as the chairman of the Committee on Agriculture and Agrarian Reform, she helped pass this bill and this condones the debt of over 600,000 farmers nationwide,” diin ni Villar.

Si former DILG Secretary Benhur Abalos, nais ng permanenteng pinansiyal na ayuda sa mga magsasaka mula sa gobyerno sa mababang interes.

Nais naman ni former Senator Panfilo “Ping” Lacson na i-institutionalize na ang mga Kadiwa stores.

“Ang magagawa ko lang at ito’y pinapaaral ko na, kasi naitanong na ito noong unang rally namin sa Laoag, na bakit hindi natin ma-institutionalize ‘yong Kadiwa store by way of legislation?” ayon kay Lacson.

Ang iba pang kandidato ng Alyansa as sila re-electionist Senators Ramon Bong Revilla, Pia Cayetano, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis “Tol” Tolentino. RNT