Home ENTERTAINMENT Zsa Zsa, nag-sorry kay Miguel sa pandededma!

Zsa Zsa, nag-sorry kay Miguel sa pandededma!

Manila, Philippines – All’s well that ends well between Zsa Zsa Padilla and Miguel Tanfelix.

Inintriga kasi ang singer at ang Kapuso actor sa umano’y pandededma ng una sa tweet ng huli.

Ang siste, nag-tweet ang Divine Diva asking for suggestions kung ano raw ang magandang panoorin sa TV dahil tapos na raw ang sinubaybayan niyang Lavender Fields.

Nag-reply naman si Miguel–bakit hindi raw subukan ni Zsa Zsa na panoorin ang Mga Batang Riles.

Airing on GMA, nasa cast ng nasabing teleserye si Miguel.

‘Yun nga lang, ang mas napansin ng mga netizens ay ang tweet ni Zsa Zsa tungkol sa Incognito.

Ang Incognito ay ang katapat ng Mga Batang Riles.

Bale ba, pinuri ni Zsa Zsa ang Incognito at fight director nitong si Lester Pimentel.

It turned out na si Lester pala’y nakatrabaho ng singer sa Zsa Zsa Zaturnah.

Ang nangyari pala, hindi agad napansin ni Zsa Zsa ang reply sa kanya ni Miguel suggesting na panoorin ang kanyang show.

In fairness, polite naman si Miguel.

And in fairness to Zsa Zsa, she apologized to Miguel at nangakong panonoorin ang show nito.

Therefore, walang isyu sa pagitan nina Zsa Zsa at Miguel–kaya tigilan na ang pang-iintriga! Ronnie Carrasco III