Home NATIONWIDE Anti-venom supply vs kagat ng ahas gustong ipaimbak sa kanayunan

Anti-venom supply vs kagat ng ahas gustong ipaimbak sa kanayunan

MANILA, Philippines- Nais ng isang mambabatas na magkaroon ng nakaimbak na suplay ng cobra anti-venom sa kanayunan na ginagawa at ipinamamahagi ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na pawang antidote laban sa kagat ng ahas sa Pilipinas.

Sa  kanyang privilege speech, sinabi ni Senador RaffyTulfo na kanyang napag-alaman sa kanyang pagbisita sa Isabela na may isang magsasakang namatay sanhi ng kagat ng Philippine cobra dahil walang anti-venom sa ospital na pinagdalhan.

Binanggit din ng senado ang insidente sa  Catarman, Northern Samar na may isang taong gulang na bata ang namatay sanhi ng kagat din ng ahas. Mayroong katulad na insidente din ang nangyari sa  Toledo City, Cebu at Ifugao.

Binanggit din sa pahayag ng isang coordinator ng national immunization program ng Department of Health, na tanging nalilikha ang Purified Cobra Antivenom (PCAV) sa RITM sa Muntinlupa City.

Aniya, kailangan pang magtungo ng Metro Manila ang sinumang biktima ng kagat ng ahas sa lalawigan upang makakuha ng antidote.

“This is a public health concern that we must address. It is very elitist that this matter is not given importance just because, we, in the metropolitan do not feel the burden of snakebites.  Pero ito po ay dama sa mga rural areas– sa mga magsasaka, sa mga nakatira malapit sa mga sapa at ilog, at sa mga nakatira malapit sa gubat at masusukal na lugar,” ayon kay Tulfo.

“RITM is the one that supplies the antivenom, it depends on the hospital if they will purchase it. If they purchase and there’s no snakebite incident, then it is a loss for the hospital… That is why we have to know the demand for antivenom so that we can maximize the limited supply of antivenom in our country,” dagdag niya.

Tinukoy din ng senador na pawang “urgent matter” ang isyu alinsunod sa pag-aaral ng National Center for Bio-technology Information on the Health and Economic Impact of Snakebites sa bansa sa ASEAN na inilimbag noong 2022 na nagpapakitang nagkaroon ng 13,377 snakebite victims kada taon sa Pilipinas, 550 dito ang namatay at ang iba naman ay naputulan ng paa.

Sinabi pa ng senador na may indibiduwal naman ang nakasuhan sa pagpatay sa kobra kahit pinoprotektahan lamang nila ang kanilang buhay.

“If we ensure that there are anti-venom supplies in crucial regions of the Philippines, and there are trained personnel in the health centers that could diagnose the snakebite victim and administer the anti-venom, then there would be no need to kill these threatened cobra species.  We cannot punish our people for defending themselves when we do not even give them protection,” ayon kay Tulfo. Ernie Reyes