Home NATIONWIDE Chinese studes sa Cagayan may kauukulang dokumento – BI

Chinese studes sa Cagayan may kauukulang dokumento – BI

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration na may mga kaukulang dokumento ang mga Chinese students na naka-enroll sa St. Paul University Philippines (SPUP) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa BI, may kabuuang 1,516 Chinese nationals ang nabigyan ng student visa sa Cagayan para sa 2023, na pawang inendorso ng SPUP.

Nabatid sa SPUP na sa kasalukuyan ay nasa 486 Chinese na estudyante lamang ang naka-enrol sa SPUP, dahil ang iba ay naghihintay pa ng susunod na enrollment period, sabi ng SPUP.

Dagdag pa rito, sinabi ng SPUP na ang mga Chinese alumni nito ay kadalasang nagtuturo sa mga SPUP partner schools sa bansa pagkatapos ng graduation.

Matatandaan na si Cagayan 3rd District Representative Joseph “Jojo” Lara ay nagtutulak ng isang House inquiry sa tila pagdami ng mga Chinese na estudyante sa lalawigan.

Aniya, ang presensya ng mga estudyanteng Tsino ay maaaring maglagay sa seguridad ng bansa sa panganib sa gitna ng China hinggil sa isyu ng pag-angkin nito sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng Concerned Private Higher Education Institutions sa Cagayan na ang pagpapatala ng mga dayuhang estudyante ‘ay isang patunay ng pangako ng lalawigan sa pagkakaiba-iba, pagkakaisa, at paggalang sa karapatang pantao.

Pinabulaanan din ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang mga malisyosong akusasyon.

Ayon sa Commission on Higher Education, wala itong natatanggap na reklamo ng mga paglabag laban sa SPUP ngunit sakaling may isampa, sinabi ng CHED na ipapasa ito sa inter-agency committee para sa kaukulang aksyon. Jay Reyes