Home NATIONWIDE DOTr binakbakan sa EDSA exclusive lane sa motorsiklo: ‘di umubra noon, uubra...

DOTr binakbakan sa EDSA exclusive lane sa motorsiklo: ‘di umubra noon, uubra ngayon?

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin

Matinding binagbakan ng ilang senador ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng exclusive lane para sa motorsiklo na dati nang ginawa ng nakaraang administrasyon na tinaguriang “blue lane.”

Magkakahiwalay na pinalagan nina Senador Grace Poe, Nancy Binay at Chiz Escudero ang panukala ng DOTr sanhi ng kawalan ng fact-based study at tumpak na datos upang lutasin ang problema sa trapiko sa Metro Manila, at hindi  “mere experiments.”

Sinabi ni Poe, na kanyang nauunawaan ang DOTr pero nabahala ang senador kung paano makakalikha ng “dedicated lane” ang ahensiya sa EDSA dahil limitado lamang ang lapad ng lansangan na kailangan para sa panukala.

“Are they intending to share it with bike lanes? Should it be standardized across all highways? The varying placements of motorcycle lanes can be confusing to motorists who traverse multiple highways daily,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services.

“These are just some of the concerns that must be addressed with actual data and not just mere experiments that can cause further confusion in our already chaotic roads,” giit niya.

Ayon kay Poe, dulot ng ganitong panukala, pinatitingkad ang lubhang pangangailangan sa paglikha ng  “independent fact-based agency” tulad ng National Transportation Safety Board na may tungkulin na kumalap na datos at magpatupad ng pamantayan para sa pagtatakda ng  motorcycle lanes.

Matinding inupakan din ni Binay ang panukala dahil nagsisilbing “band-aid solution” ang programa upang lutasin ang lumalalang problema sa daloy ng trapiko sa EDSA.

“The reason why such alternative rides exist is because our public infrastructures fail to address urban mobility challenges — puro palliative at short-term palagi. Kaya, huwag po sana tayong mag-dwell sa mga polisiya na maglilihis sa mass transit solutions,” ayon kay Binay sa hiwalay na statement.

Sa halip, aniya, dapat ituon ng DOTr ang pagkilos nito sa pagtatayo ng ligtas, komortable at maayos na   mass transportation.

Sakaling gawin ito, dapat bigyan ng prayoridad ang pamuhunan upang matiyak na sapat  at maasahan ang isang public transit systems tulad ng bus at tren.

Kinuwesetiyon din ni Binay ang  “single passenger alternative” pero hindi pa nagagamit nang husto ang potensiyal ng  “  Metro Rail Transit at bus lanes.

“Di ba kulang pa rin ang mga tumatakbong bagon, siksikan pa rin sa bus at tren? Kawawa yung mga daily commuter na sumasakay papasok ng trabaho na preskong nakabihis at nakaporma, kasi nagiging mandirigma sila pagdating sa opisina,” giit niya.

Samantala, hinikayat naman ni Escudero ang ahensiya na gumamit ng AI sa pag-aaral upang matiyak kung ano ang tunay na kailangan sa paglutas ng problema sa trapiko.

Ipinaalala din ng senador sa ahensiya na nauna nang ginawa ang panukala sa pamamagitan ng pagtatakda ng “blue lane” para sa motorsiklo, pero hindi nalutas ang problema.

Kaya nainong ni Escudero:  Did it work?

“It’s good though that they are continually looking for solutions to the traffic problem but, if at all, can they please do simulations thru AI simulators of whatever they are considering to do instead of implementing it and using us as guinea pigs?,” ayon kay Escudero. –Ernie Reyes