Home NATIONWIDE Grupo ni Cusi kinastigo ni Pimentel sa pagtatanggal ng ‘Laban’ sa PDP...

Grupo ni Cusi kinastigo ni Pimentel sa pagtatanggal ng ‘Laban’ sa PDP – Laban

Mahigpit na kinastigo ni  Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III  ang  grupo ng PDP-Laban na kilalang kaalyado ni dating President Rodrigo Duterte sa pagtatanggal ng salitang Laban sa PDP Laban na binuo ng kanyang amang si yumaong Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na kung gustong gumawa ng partido ang kaalyado ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi sa ginanap na pulong ng grupo nito sa Cebu City, dapat nagbuo na lamang sila ng bagong partido.

“Kung gusto rin naman pala nila ng ibang partido, kasi binago nila lahat eh, ba’t hindi na lang sila nagbuo ng sarili nilang partido hindi naman bawal iyon. Wala pang masasaktan, wala pang aangal,” ayon kay Pimentel sa interview.

Nagkaroon ng national council meeting ang grupo ni Duterte sa Cebu City  hinggil sa anibersaryo nito na kung saan tinanggap ang salitang “Laban” sa pangalan ng partido.

Binuo ang PDP-Laban, or Partido ng Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, mula sa ting orihinal na magkahiwalay na partido na binuo sa panahon  n g diktadurya ni Marcos nina dating opposition leader  na sina Nene Pimentel at Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

“On February 6, 1983, the two leaders agreed to merge their parties, thereby giving birth to the PDP-Laban party which, until today, continues to perform its role as a “constructive opposition” of the administration, ayon kay Pimentel.

Binanatan din ni Pimentelm, isa sa founding member ng orihinal na PDP-laban, ang maraming pagbabago ng paksiyon na ginagamit ng partido na hindi katanggap-tanggap sa kanila.

“Nakakalungkot na pinag-awayan pa namin iyong partido tapos ganon lang pala ang kanilang plano na palitan ang pangalan, palitan ang symbolisms, pati iyong pago-oath ng kaliwang kamay, gagawin na nilang kanang kamay, even iyong party handshake namin using the left hand I’m sure papalitan na rin nila iyon,” ayon kay Pimentel.

“So, kahit baguhin pa naman iyong pangalan ng partido nila iyong tunay na PDP-Laban iyong mga original at naniniwala ay tuloy-tuloy pa rin po kaming magsasama-sama, at tuloy-tuloy pa rin kami mag-advocate sa pagpapaliwanag ng pinaniniwalaan ng PDP-Laban,” giit niya.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang laban upang mabawi ang partido.

“Sayang ang history ng PDP-Laban, kaya ipaglalaban namin iyan, kaming mga lehitimong PDP-Laban, original tapos iyong true believers ideology ng PDP-Laban, itutuloy namin ang causa ng PDP-Laban at ilalaban namin even to the Supreme Court kaya nga may pending case kami diyan. Sayang eh. I mean gusto naming ituloy ang causa ng PDP-Laban ang kabila ayaw nilang ituloy gusto nilang baguhin magbuo na lang kayo ng sarili niyong partido hindi naman bawal iyon eh,”  ayon kay Pimentel.  -Ernie Reyes