Home METRO Helper timbog sa P272K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Helper timbog sa P272K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang isang lalaking pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P272,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Angat.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek sa alyas “Liit”, 50, helper.

Sa report, isinagawa ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit Kasama ang Angat police station bandang 8:30 ng gabi nitong Hunyo 27 sa Brgy. Niugan.

Nasamsam sa operasyon ang limang sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 40 grams, may standard drug price P272,000 at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. (Dick Mirasol III)