Home NATIONWIDE Higit 50 POGO hubs mino-monitor ng PAOCC

Higit 50 POGO hubs mino-monitor ng PAOCC

MANILA, Philippines- Mahigpit na sinusubaybayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mahigit sa  50 Philippine Offshore Gaming Operations site sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kabilang na ang Multinational Village sa Parañaque at dating island resort sa Cavite.

Naging sentro kasi ng reklamo ang POGO island at ang Multinational Village mula sa kalapit na komunidad at residente ng barangay dahil ang mga lugar ay pinangungunahan na ngayon ng Chinese nationals, mga pinaghihinalaang ‘sleeper agents’ ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina.

“Nasa 58 na iba’t ibang klase ng online gaming hubs ang minamanmanan ng commission,” ang sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio.

“Hindi na kami naninisi… sayang lang po ang effort namin. We are trying to be proactive about it,” aniya pa rin.

“The PAOCC suspects that some Chinese workers are being transported between different POGO hubs,” wika ni Casio sabay sabing, “May nakuha sa Bamban na galing Las Pinas. Sa Porac, may nakita kami na mga ID ng mga nagtratrabaho sa Lucky South na nagtratrabaho sa Hong Sheng.”

“Many of these scam farms share employees, transportability. Employees of Lucky South were at one point employees of Hong Sheng or vice versa. So nagpapaikot-ikot lang sila,” dagdag na wika nito.

Hindi naman nagtagal ay ipinag-utos sa local government officials na pwersahang pasukin ang POGO hubs na mariing tumangging buksan ang nasabing lugar, sinabi ni Casio, binigyang-diin na kailangan ng PAOCC ang kooperasyon ng ibang ahensya dahil sa kulang ito ng tauhan.

Sa 58  POGOs na nag-ooperate sa Pilipinas, tanging 43 ang may lisensya.

“A raid in a single compound can last around 10 days, while it may take 2-3 months up until POGO workers are deported,” pahayag ng opisyal.

“It’s a very big problem,” dagdag ni Casio.

Samantala, may ilang ahensya naman ang humikayat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng agarang pagbabawal o ban sa operasyon ng POGO sa Pilipinas, subalit wala pa ring tugon ang Pangulo sa panawagang ito. RNT/SA