Home METRO Higit P13M ecstasy, ketamine nasabat ng BOC

Higit P13M ecstasy, ketamine nasabat ng BOC

MANILA, Philippines- Nasabat ng Bureau of Customs ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa na nagkakahalaga ng mahigit P13.5 milyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay nitong Biyernes, Hunyo 7.

Ayon sa BOC, idineklara na canned food at prutas na galing Denmark ang naturang parcel na naka-consign sa isang indibidwal na residente ng Taguig.

Sa isinagawang field testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay natuklasang naglalaman ang naturang package ng 5,033 piraso ng ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine.

Ang nadiskubreng ilegal na droga ay nagkakahalaga ng kabuuang P13,546,100.

Nahaharap ang hindi pinangalanang consignee ng naturang parcel sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Section 1401 (Unlawful Importation) na nakapailalim sa Customs Modernization and Tariff Act. James I. Catapusan