Home OPINION IN ‘GOOD HANDS’, FREEPORT NG BATAAN!

IN ‘GOOD HANDS’, FREEPORT NG BATAAN!

SA dami ng mamumuhunan na nais pumasok,  darating ang panahon ay mahihirang na top vibrant business hub ang Freeport Area sa Mariveles,  Bataan –  hindi lang sa Asea kundi sa buong mundo.

Umabot na sa tumataginting na P14 bilyon ang tumatakbong halaga ng negosyo sa Freeport,  ayon  kay Mohammad Hussein Pangandaman, administra- tor at CEO ng Authority of the Freeport Area of  Bataan.

Sa kasalukuyan, may 155 locators na naka-rehistro sa Freeport Area of Bataan (FAB), 95  rito ay on-going ang operasyon samantalang ang natitira’y nasa proseso ng pag-aayos ng mga documento na kailangan sa kanilang negosyo.

Karamihan sa mga kompanya sa FAB ay pag- aari ng dayuhang mamumuhunan, pero may mga local investor din tulad ng San Miguel conglomerate na nag-oope- rate ng food  factory at gumagawa ng enerhiya.

Sa ulat, rumagasa ang foreign at local investors na maglagay ng negosyo sa FAB nang italaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang dating Lanao del Sur Congressman na AFAB head Abril ng nakaraang taon.

Ngayong taon, inaasahan ng AFAB na magkaroon ng malaking pagtaas sa mga pamumuhunan – as the Freeport  expands its focus, to take advantage of the unique game  changing charter” pahayag ni Pangandaman.

Limang taon na ang nakalipas, ang Charter ng AFAB ay inamyenda na may layuning magkaroon ng two-fold expansion – pagpapalawak ng uri ng mga pang-ekonomiyang aktibidad na pinapayagan na mag-operate sa FAB, at pagpapalawak ng pisikal area nito sa pamamagitan ng pagrehistro ng iba pang mga site sa buong Bataan.

Personal na pinangunahan ni Pangandaman ang mga pagsisikap na mag-akit ng mas malawak na iba’t ibang mga nagtayo ng negosyo sa FAB.

Ang mga kumpanya sa Fintech, Blockchain, Gaming at Defense ay kasama na ngayon sa 35 na nagsumite na ng sulat upang magtayo roon, sa nakaraang 10 buwan.

Sa kanilang pangunahing lugar sa Mariveles, sinimulan na rin ni Pangandaman ang pagsasaayos muli ng Freeport, na naglaan ng espasyo para sa isang sentral na distrito ng negosyo, nagpapatuloy sa kanilang sikat na Mattel beachfront at binubuhay ang kanilang matagal nang hindi ginagamit na golf course.

Ang potensyal ng mga pag-unlad na ito ay mabibigyang-diin, sa inaasahang pagtatapos ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, pangunahing proyektong imprastruktura ng Administrasyong Marcos na mag-uugnay sa Lalawigan ng Bataan sa estratehikong ekonomikong lugar sa Timog Luzon.

Ang FAB ay matatagpuan sa dulo ng Roman Highway at sa dulo ng  Bataan Peninsula, ngunit – kalaunan – ito rin ay magiging isang destinasyon  sa negosyo, at maging para sa turismo,” sabi niya.

Sa ngayon, 10 sa 17 rehistradong Freeport Expansion Area (FEAs) na nakakalat sa buong lalawigan ay nagsimulang mag-operate na. Sa ilalim ng bagong Charter ng AFAB, ang mga nagtayo ng negosyo sa FEAs na ito ay nakakatanggap ng parehong mga benepisyo at insentibo tulad ng mga nasa pangunahing lugar sa Mariveles.

“Ito ay isang taon ng mga pangunahing hakbang para sa amin – 55 taon mula nang itatag ang Mariveles bilang unang Freeport zone ng Pilipinas, 15 taon mula nang ang lugar na ito ay naging  Freeport Area of Bataan o FAB sa ilalim ng pamamahala ng AFAB, at 5 taon mula nang amyendahan ang aming Charter – at habang tiningnan namin ang nakaraan upang kilalanin at parangalan ang aming nakaraan, tinitingnan din namin ang aming hinaharap,”  paliwanag ni Pangandaman.

Sa kasalukuyang liderato  ng AFAB, tila maraming sorpresang inaabangan kaya tiyak na contented  si BBM  sa pagpili kay Pangandaman dahil sa mga ginagawa’t nagawa na, malinaw na ‘in good hands’ ang Freeport ng Bataan sa dating Mindanao solon.