Home NATIONWIDE Laity group: Divorce law ‘di kailangan

Laity group: Divorce law ‘di kailangan

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang grupo ng Laiko na hindi kailangan ang divorce law dahil may sapat na remedyo para sa mga mag-asawang nakararanas ng hirap sa kanilang relasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) na isinusulong nito na palakasin pa ang kaalaman ng mga tao sa kabanalan ng kasal.

Binanggit din nito ang pangangailangang “ihanda ang mga mag-asawa bago ang kasal” at suportahan sila sa buong buhay nilang mag-asawa.

Hinimok ng SLP ang publiko na tingnan ang pinsalang dulot ng diborsyo sa mga pamilya, na kinabibilangan ng pagdurusa ng mga anak, maraming pag-aasawa, sirang pamilya at isang “morally lacking society”.

Kinikilala din ng grupo ang pagsisikap ng pro-family at pro-marriage advocates para tutulan ang divorce bill, na humadlang sa House of Representatives noong nakaraang buwan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)