Home NATIONWIDE Non-selective immunization drive vs tigdas isinusulong ng DOH sa BARMM

Non-selective immunization drive vs tigdas isinusulong ng DOH sa BARMM

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang non-selective immunization drive sa Mindanao kasunod ng pagsiklab ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag sa public briefing na maaaring magpabakuna ang mga bata kahit pa nakatanggap na sila ng bakuna laban sa tigdas noong nakaraan.

Inihayag kamakailan ng BARMM ang paglaganap ng tigdas sa rehiyon.

Tiniyak din ni Tayag sa mga magulang na walang pagkakataon na ang kanilang mga anak ay makatanggap ng masyadong maraming doses.

“Kung nag-aalala kayo na baka sumobra, ma-overdose, wala pong ganoon sa bakuna,” sabi ni Tayag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWalang lenten break sa BI personnel
Next articleRekomendasyon ng national security cluster sa patuloy na tensyon sa WPS, isasapinal na