Home NATIONWIDE Walang lenten break sa BI personnel

Walang lenten break sa BI personnel

MANILA, Philippines – NAGLABAS ng abiso ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na pinagbabawalang mag-leave ang kanilang mga personnel sa lahat ng international ports para masiguro na may tao na nagbibigay serbisyo sa mga mananakay sa panahon ng Lenten break.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pagbabawal sa bakasyon ay nagsimula noong Marso 15 at magtatapos sa Abril 1 ay upang matiyak na ang lahat ng mga immigration booth sa mga paliparan ay may nakabantay upang iproseso ang malaking bulto ng mga pasahero na inaasahang papasok at aalis ng bansa sa mahabang bakasyon.

Inihayag ni Tansingco na ang naturang kautusan ay para sa lahat ng empleyadong nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at lahat ng iba pang international ports of entry at exit sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Tansingco na ang leave ban ay ipinatupad upang matiyak na ang mga serbisyo ng imigrasyon sa mga bumibiyaheng publiko ay hindi maaantala sa panahon ng Lenten break kapag may tiyak na pagtaas ng dami ng pasahero sa mga paliparan.

“We assure the traveling public that our counters are fully manned to process them in our counters,” ani Tansingco.

Sinabi ng BI na umabot sa 39 hanggang 44 thousand arrivals kada araw ang ipinoproyekto nito sa mga susunod na araw, habang inaasahang nasa 40 hanggang 44 thousand ang international departures. Sinabi ng BI Chief na inaasahan nilang tataas ang volume ng mga papaalis na pasahero pagsapit ng Miyerkules, habang inaasahang tataas ang volume ng mga paparating na pasahero sa Linggo.

Idinagdag din ng BI Chief na nag-isyu na siya ng mga personnel order na pansamantalang nagde-deploy ng halos 70 karagdagang tauhan upang dagdagan ang kanilang mga tauhan sa mga pangunahing internasyonal na paliparan, at may mga mobile counter na naka-standby upang tumulong sa pagproseso ng mga biyahero. JAY Reyes

Previous articleFire drill sa Malakanyang isusunod sa earthquake drill
Next articleNon-selective immunization drive vs tigdas isinusulong ng DOH sa BARMM