Home NATIONWIDE Fire drill sa Malakanyang isusunod sa earthquake drill

Fire drill sa Malakanyang isusunod sa earthquake drill

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon.

Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang Complex, itatakda nila ang fire drill para bigyan din ng kaalaman ang lahat ng opisyal at kawani sa iba’t ibang tanggapan sa Malakanyang kung papano tutugon sakali’t magkaroon ng malaking sunog sa Alin mang bahagi ng Malacañang, Complex.

Winika pa ni Paderos, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay para maiwasan ang anumang insidente ng pagkasawi o pagkasugat ng mga tao.

Winika naman Jerald Bautista, OIC ng general services division ng NEB na may nakatakdang pondo sila para sa taong ito para ipambili ng mga emergency equipment, medical at fist aid kits para magamit sa panahon ng emergency at ganitong mga uri ng pagsasanay.

Sa kabilang dako, maayos namang naisagawa ang earthquake drill ngayong umaga sa NEB.

Tinuran ni Padernos, kumpiyansa siya sa mas matatag ngayong new executive building at iba pang gusali sa malakacanang, dahil isinagawa muna rito ang retrofitting bago ang renovation.

Gayunpaman, mayroon lamang ilang tao na napuna si arch padernos na hindi nagsilabas ng kanilang tanggapan dito sa neb sa kasagsagan ng earthquake drill.

Kaya sinabihan nito ang ilang mga opisyal na in charge sa drill na dapat sa susunod na pagkakataon ay kinakailangang palabasin na ang lahat ng tao kahit saang department o opisina pa nakatalaga ang mga ito bilang pagtalima sa memorandum at bilang pakikiisa sa epektibong pagtugon sa anupamang sitwasyon. Kris Jose

Previous articleDBM naglabas ng mahigit P6B sa pagpapabuti ng mga fish port
Next articleWalang lenten break sa BI personnel