Home NATIONWIDE OFWs na papuntang Canada kailangang dumaan ng verification process – DMW

OFWs na papuntang Canada kailangang dumaan ng verification process – DMW

MANILA, Philippines – Naglabas ng abiso ang Department of Migrant Workers (DMW) na nangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na patungo sa Canada na dumaan sa proseso ng verification ng ahensya.

Sa isang media conference, sinabi ng officer-in-charge ng DMW na si Hans Leo Cacdac na inilabas ang Advisory No. 9 (serye ng 2024) sa gitna ng mga ulat na sinisingil ng hindi awtorisadong recruitment fee ang ilang manggagawang Pilipino na patungo sa Canada.

“Ang problema may mga recruiters itong mga kababayan natin na hindi lisensyado ng DMW, tsina-charge ng exorbitant fees and over the last year, tinatanong na samin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Tansingco anong gagawin namin sa mga sumusubok lumabas ng bansa na ganoon ang sitwasyon, na may work permit sa Canada na hindi dumadaan sa DMW,” anang opisyal.

“We issued the DMW Advisory No. 9. The purpose is to curb illegal recruitment and trafficking of persons. These past few months, we shut down two Canadian immigration consultancies without license from DMW but are recruiting workers for Canada,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Cacdac na ito ang paraan para sa ahenysa na subaybayan ang kapakanan ng mga OFW para mabigyan ng social ptotection sa koordinasyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa advisory, sinabi na ang mga Filipino na patungong Canada sa ilalim ng mga sumusunod na programa ay kinokonsidera ang mga OFW at dapat sumailalim sa proseso ng DMW:

a. Natanggap s apamamagitan ng Atlantic Immigration Pilot (AIP) na sakop ng POEA Advisory NO. 169 Series of 2020 – o kilala bilang Atlantic Immigration Program na naglkalayong tulungan na kumuha ng mga kwlipikadong kandidato parea sa mga trabahong hindi nila napunan sa lokal.

b. Holders ng Canada’s Open Work Permit sa ilalim ng International Mobility Program na saklaw ng POEA Advisory No. 159, Series of 2020
b.1 Bridging Open Work Permit (exemption code A75)

b.2 Post Graduate Work Permit Program (PGWP)

b.3 Participants sa Home Child Care Provider Pilot (HCCPP) at Home Support Worker Pilot (HSWP) Programs (administrative code C90)

b.4 Open Work Permit para sa Vulnerable Workers (exemption Code A72)

b.5 Religious work (exemption code C50)

Samantala,sa mga hindi itinuring na OFW at hindi kinakailangang pumasa sa documentary processing sa pamamagitan ng DMW ay ang mga sumusunod:

– spouses o common law partners ng principal foreign nationals (exemption code C41)na nagtatrabaho o magtatrabaho sa mga trabahaong may mataas na kasanayan

– spouses o common law partners ng principal foreign nationals (exemption code C42) na may valid study permits at naka-enroll full-time sa post-graduation work permit eligible studies.
– permanent residence applicants ng spouse o common-law partners sa Canada Class (exemption codeA70)

“In case the said open work permit holders are still unemployed in Canada upon their return to the Philippines, an Affidavit of Support or any document consistent with the requirements by the Bureau of Immigration must be presented,” saad pa sa advisory. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)