Home NATIONWIDE Pamilya ng nasawing Pinay sa malawakang baha sa UAE, may duda

Pamilya ng nasawing Pinay sa malawakang baha sa UAE, may duda

Motorisits drive along a flooded street following heavy rains in Dubai early on April 17, 2024. - Dubai, the Middle East's financial centre, has been paralysed by the torrential rain that caused floods across the UAE and Bahrain and left 18 dead in Oman on April 14 and 15. (Photo by Giuseppe CACACE / AFP)

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdadalamhati, nagpahayag naman ng pagdududa ang pamilya ng nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa malawakang pagbaha sa United Arab Emirates.

Kinalala ang nasawing OFW na si Marjorie Saquing Ancheta na sinasabing nahirapang makahinga nang ma-stranded ang sinasakyan nilang shuttle bus sa baha.

Kwento ng ina ni Marjorie, magkausap pa sila ng anak na pauwi na sana galing sa pinagtatrabahuang eskwelahan sa Dubai.

“Sinabihan ko pa siya na kung malakas ang ulan d’yan, ‘wag ka nang uuwi, d’yan ka na lang sa school. E walang makain dito ma, kaya uuwi daw sila,” sabi ng ina na si Maricris Ancheta.

Dagdag pa ni Maricris na nakapagpadala pa ang anak ng mga video nang maipit ang sinasakyan nila sa baha.

“Syempre masakit, kasi tatlo ‘yong anak niya. Tapos single mom pa siya. Nagdududa po kami bakit may namatay? Parang pinabayaan naman nila yung anak ko doon.”

Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW), nahirapang makahinga si Marjorie kasama ng isa pang Pinay nang ma-stranded sa baha ang kanilang shuttle bus.

Nakipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers sa pamilya ng mga nasawi. RNT