Home NATIONWIDE Proseso sa mabilis na paglaya ng babaeng PDLs pabibilisin ng SC

Proseso sa mabilis na paglaya ng babaeng PDLs pabibilisin ng SC

MANILA, Philippines – Gumagawa ng ng hakbang ang Korte Suprema upang makabuo ng procedure sa paghawak ng kaso ng mga babaeng persons deprived of liberty (PDLs) na nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW).

Nagtungo sa CIW sa Mandaluyong City nitong April 18 si Supreme Court Justice Maria Filomena Singh na siya rin co chairperson ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary (CGRJ) upang alamin ang kondisyon at mga paraan sa paghawak ng kaso ng women in conflict with the law (WICL).

Sinabi ni Singh, ang makakalap na mga impormasyon ng technical working group (TWG) ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary (CGRJ) ay makakatulong para sa pagbuo ng mga procedure.

Hinikayat ni Justice Singh ang mga PDLs na magsumikap na makakuha ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) credits upang mapabilis ang kanilang paglaya kahit nagkasala ito ng karumal dumal na krimen.

Sa ilalim ng GCTA law, kahit ang mga nakagawa ng heinous crimes ay binibigyan ng credits sa mabuting asal upang mapaikli ang kanilang jail term.

“Na-desisyunan na natin at sabi po natin na kahit heinous [crime] offender, recidivist, o habitual delinquent, puwede pong magka-GCTA. Ang katwiran po natin, lahat naman tayo nagkakamali. Pare-pareho po tayong tao. Ang sistema po ng ating penology o yung pagkakapiit ng ating mga nakalabag ng batas ay tinatawag nating ‘reformative’. Xxx Kaya nga po ang tawag diyan ay “correctional,” winawasto. So habang kayo ay nandidito sa ating institute, mayroon po tayong mga programa para kayo ay mapabuti para paglabas ninyo ay ready na kayo, mare-resist ninyo na ang pagbalik doon sa landas na hindi tama,” ani Singh.

Dapat aniyang isipin ng mga PDL na may saysay pa rin ang kanilang buhay at naghihintay sa labas ang mga anak, kapatid, magulang at asawa nila.

Isinagawa ang panel interview ng PDLs nina CGRJ Vice Chairperson Associate Justice Maria Theresa V. Mendoza-Arcega ng Sandiganbayan, Associate Justice Jaime Fortunato A. Caringal ng Court of Appeals, Assistant Secretary Randolph A. Pascasio ng Department of Justice, at Judge Bernard P. Bernal ng Taguig City Regional Trial Court, Branch 70. Teresa Tavares