Home NATIONWIDE Rekomendasyon ng national security cluster sa patuloy na tensyon sa WPS, isasapinal...

Rekomendasyon ng national security cluster sa patuloy na tensyon sa WPS, isasapinal na

MANILA, Philippines – ISINASAPINAL na ng national security cluster ang mga rekumendasyon para tugunan ang patuloy na panghaharass ng China Coast Guard sa tropa ng pamahalaan sa west Philippine Sea( WPS).

Sa katunayan, tiniyak ni National Security Council assistant director general at spokesman usec Jonathan Malaya na natuloy ang pulong nila sa pangunguna ni national security adviser secretary Eduardo Año kasama si executive Secretary Lucas Bersamin kaninang umaga, Marso 25.

Ani Malaya, sa ngayon ay isinasapinal na ng national security cluster ang mga rekomendasyon at umaasang maipipresinta nila ito bukas, Marso 26  kay pangulong Ferdinand marcos Jr. sa gagawing sectoral meeting sa Malakanyang.

May paabiso na rin aniya ang presidential communications office na bukas, araw ng Martes, Marso 26 ay may sectoral briefing sa Malakanyang pagkatapos ng sectoral meeting kasama ang Pangulo hinggil sa nasabing usapin. Kris Jose

Previous articleNon-selective immunization drive vs tigdas isinusulong ng DOH sa BARMM
Next articleSitwasyon sa Manila North Port Passenger Terminal sa Maynila ngayong Semana Santa