Home METRO P1.3M shabu nasamsam sa Bataan

P1.3M shabu nasamsam sa Bataan

ABUCAY, Bataan- Umabot sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa apat na nadakip na suspek sa isinagawang operasyon noong Sabado sa bayang ito.

Ayon kay Major Jonathan Mostoles, hepe ng Abucay police, hindi pinangalanan ang mag-asawang suspek at dalawa pa nilang kasama para sa gagawin nilang imbestigasyon.

Nakuha sa mga suspek ang 200 gramo ng pinaniniwalaang shabu na aabot sa halagang P1.3 milyon.

Batay sa report, bandang alas-3 ng umaga nadakip ang mag-asawa sa Dinalupihan habang ang dalawang ay sa Barangay Mabatang.

Sinabi ni Mostoles, itinago ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil halos magkakamag-anak ang nakatira sa naturang barangay.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nagsusuplay ng ilegal na droga sa mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico