Home NATIONWIDE Pagpaslang sa dalagita habang nagsasagot ng module kinondena ng DepEd

Pagpaslang sa dalagita habang nagsasagot ng module kinondena ng DepEd

MANILA, Philippines- Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd)nitong Sabado na mariing kinokondena ang pagpatay sa 14-anyos na babaeng binaril habang nagsasagot ng kanyang learning modules sa tahanan sa Talisay City, Cebu.

“The Department is deeply concerned and alarmed with the recent incidents of brutal killings of minors, especially girls. We urge the local authorities and the community to come together in solidarity against violence and to ensure the safety of all learners,” anito.

Nagsasagot ng kanyang learning modules ang biktima sa Barangay Cansojong nang pasukin ng suspek na nakatakip ang mukha ang kanilang tahanan, ayon sa ulat.

“DepEd extends its deepest condolences to the bereaved family, friends, and classmates of the victim during this time of grief,” dagdag nito.

Nanawagan ang DepEd sa mga awtoridad na masusing imbestigahan ang insidente.

Sinabi ng ina ng biktima na wala siyang nalalaman na kaaway ng kanyang anak.

Iniimbestigahan na ng Talisay Police ang person of interest sa pagpatay at sinisilip ang pagkakasangkot ng mga kaanak ng biktima sa ilegal na droga.

Samantala, hinikayat din ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga awtoridad na doblehin ang pagsisikap nito sa pagtalop sa pagpatay sa babae.

“We condemn this heinous act in the strongest possible terms and call upon the authorities to expedite their investigation to swiftly bring the perpetrators to justice,” giit ni Pimentel nitong Sabado.

Ipinaabot din ng senador ang pakikidalamhati niya sa pamilya ng biktima. RNT/SA