Home NATIONWIDE Solon sa Palasyo: Hinay-hinay lang sa pagluluwag sa importasyon ng agri products

Solon sa Palasyo: Hinay-hinay lang sa pagluluwag sa importasyon ng agri products

Hiniling ng ilang senador sa Palasyo na maghinay-hinay lamang sa pagluluwag sa importasyon ng produktong agrikultural na lubhang makakasakit sa lokal na magsasaka sa gitna ng lumulubhang init ng panahon.

Kamakailan, inatasan ng Palasyo ang  Department of Agriculture na paluwagin ang proseso sa importasyon ng    agricultural products at tanggalin ang non-tariff barriers.

Ayon sa Palasyo, layunin ng bagong patakaran na palakasin ang suplay sa merkado at bawasan ang tumataas na halaga ng produkto.

Kabilang sa non-tariff barriers ang quotas, import licensing systems, regulations at red tape na nagpapabagal sa importasyon.

Ayon kay  Senador Risa Hontiveros na dapat tiyakin ng gobyerno na kapag pinaluwag ang regulasyon at     non-tariff barriers, dapat matiyak na magagamit nang mahusay ang import permit na nagagamit sa korapsiyon.

“At sa huli, sa panahon ng anihan o sagana ang produksyon, kailangang ipataw ang tamang taripa o buwis  sa mga importasyon upang maiwasan ang dumping na siyang ikinalulugi ng ating mga magsasaka, mangingisda, at nag-aalaga ng hayop,” ayon kay Hontiveros.

Hiniling din ni Senador Nancy Binay na kahit alam natin na lilikha ng hindi inaasahang complexities at dagdag halaga sa ating magsasaka at consumer ang naturang kautusan, dapat tiyakin ng DA na may transparency kapag naisagawa ang panukalang administratibo upang makamit ang mas bukas at pantay na kalagayan sa merkado.

“By evaluating both costs and benefits, we can guarantee that any adjustments to import regulations align with our goals of realizing food security, and fostering a resilient and sustainable agricultural sector,” ayon kay Binay.

Iginiit naman ni Senador Koko Pimentel na maging pamantayan ang bagong patakaran upang pataasin ang lokal na produksiyon sa lahat ng produktong pagkain na ginagamit ng Filipino.

“We should not encourage and/or convert our farmers (even indirectly through coops) to be importers,” ayon kay Pimentel.

Iginiit din ni Senador Chiz Escudero na dapat palakasin ng gobyerno ang local food production.

“True and genuine food security is based on domestic ability and supply to answer our needs with importation simply being a stop-gap or in the interim while we haven’t achieved food security yet in order to curb inflation of basic food staples,” ayon sa senador. –Ernie Reyes