Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa Surallah, South Cotabato sa El Niño

State of calamity idineklara sa Surallah, South Cotabato sa El Niño

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Surallah, South Cotabato ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon.

Sinabi ng Office of the Municipal Agriculturist sa Surallah na hanggang noong Marso 31, halos 1,000 ektarya ng sakahan at fish pond ang natuyo na.

Umaabot naman sa P71 milyon ang pinsala sa agrikultura.

Dahil dito, plano ng Surallah LGU na gamitin na ang calamity funds para tulungan ang nasa 1,000 magsasaka na apetkado ng El Nino.

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 34.7 degrees Celsius ang temperatura sa General Santos City, ika-siyam sa pinakamataas na temperatura na naitala sa bansa nitong Martes, Abril 16. RNT/JGC