Home HOME BANNER STORY Pinas naghahanda sa sirit-presyo ng gas sa giriian ng Israel at Iran

Pinas naghahanda sa sirit-presyo ng gas sa giriian ng Israel at Iran

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbibigay ang gobyerno ng fuel subsidies dahil inaasahang tataas ang presyo ng langis dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Paliwanag niya, kung lumala ang hidwaan, maaaring maharang ang Strait of Hormuz na maglilimita sa suplay ng langis at magtataas ng presyo.

”We are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So the prices will certainly be affected,” ani Marcos.

”So the subsidies that we have always given, fuel subsidies, that we gave to, if you remember during the pandemic, lalong-lalong na ‘yung mga napapasada, ‘yung mga may hanap-buhay naman sila, binigyan nating fuel subsidies,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang fuel subsidies na ibinigay noong pandemya sa mga tsuper ay ipagpapatuloy at palalawakin para sa mga malubhang maaapektuhan.

Nakalaan sa 2025 budget ang ₱2.5 bilyon para sa fuel subsidies ng mga drayber ng pampublikong sasakyan, taxi, ride-hailing, at delivery workers.

Mahigpit na minomonitor ng Department of Energy ang sitwasyon at nananawagan ng staggered price adjustments upang mapagaan ang epekto sa mga mamimili.

Noong Hunyo 16, umabot sa $73 kada bariles ang presyo ng Dubai crude oil. Sinabi rin ni Marcos na wala pang kailangang mandatory repatriation ng mga Pilipino mula sa rehiyon kahit may hidwaan. RNT