Home METRO ₱123K shabu nasabat, 4 suspek tiklo sa Taguig

₱123K shabu nasabat, 4 suspek tiklo sa Taguig

169
0

MANILA, Philippines – Apat na indibidwal, kabilang ang dalawang menor de edad, ang inaresto ng mga tauhan ng Taguig City police sa ikinasang buy-bust operation Biyernes ng hapon, Oktubre 4.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director PBGEN Bernard Yang ang mga nadakip na suspek na sina alyas Joey, 41; alyas Cathy, 41; at ang dalawang menor de edad o ang mga Children in Conflict with the Law (CICL) na sina alyas Joshua, 15, at isang alyas Aeron, 17.

Bae sa report na natanggap ni Yang, nadakip ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas 5:30 ng hapon sa Brgy. North Signal, Taguig City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 18.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱123,080.

Bukod sa hinihinalang shabu ay narekober din sa mga suspek isang coin purse, weighing scale at ang ₱500 na ginamit sa naturang operasyon.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.

Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng mga suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here