Home METRO ₱13.7-M shabu nasamsam; 2 arestado

₱13.7-M shabu nasamsam; 2 arestado

BACOLOD CITY –NASAMSAM ng mga awtoridad ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang ₱13.7-M sa dalawang high value target sa isinagawang buy bust operation noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina as John Valentin Remegio, 34, ng La Paz, Iloilo City; at Crismark Blancaflor, 27, ng Bingawan, Iloilo.

Ayon kay Police Major Ryan Villasario, deputy chief ng San Carlos City Police Station,nadakip ang mga suspek sa Hacienda Santa Ana, Barangay Palampas, San Carlos City, Negros Occidental.

Nakuha sa mga suspek ang 2 kilo ng shabu, P10,000 marked money at isang sasakyan na pagmamay-ari ng ibang tao na hindi pinangalanan.

Sinabi ni Villasario, isinailalim sa 2 buwan monitoring ang mga suspek matapos silang makatanggap hinggil sa iligal na aktibidades ng mga ito sa Iloilo at Negros.

Pinuri naman ni Police Col. Leo Pamittan, Negros Occidental police director, ang operatiba sa matagumpay sa operasyon kontra illegal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico