Home NATIONWIDE Grand slam #1 spot sa 3 TV ratings nasungkit ng Eat Bulaga!

Grand slam #1 spot sa 3 TV ratings nasungkit ng Eat Bulaga!

MANILA, Philippines – PATULOY na nangunguna sa nationwide TV ratings ang binagong Eat Bulaga ng TAPE Inc. makaraang manguna ito sa puwesto sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), Philippine National Television Audience Measurement (PHINTAM), at Rural Television Audience Measurement (RTAM) ratings noong Agosto 29, 2023 batay sa datos mula sa AGB Nielsen Philippines.

Sa nationwide viewership ratings na 4.28%, dinaig ng GMA show ang iba pang noontime programs gaya ng E.A.T ng TV5. (4.12%) at A2Z at GTV’s It’s Showtime (2.54%) sa NUTAM.

Sa parehong araw, ang Eat Bulaga ay nakuha din ang #1 spot sa PHINTAM at RTAM ratings. Nakakuha din ang Eat Bulaga ng 4.12% sa PHINTAM, na sinundan ng E.A.T. (3.29%) at It’s Showtime (2.48%). Para sa ratings ng viewership sa RTAM, nagpapatuloy na manguna ang Eat Bulaga na may 3.88% habang ang It’s Showtime (2.41%) at E.A.T. (2.08%) ang nasa huli.

“We are happy with the continued support and loyalty of viewers watching Eat Bulaga everyday. This shows that we are taking steps in the right direction especially as we push for fresher content and more ways to welcome new audiences sa Tahanang Pinakamasaya,” giit ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE Inc.

“We’re very grateful to our hosts, producers, writers, crew, and everyone in the EB family who are part of this, but we’re thankful most of all to our viewers from all around the Philippines,” dagdag pa nasabing legal counsel.

Ang “EB Happy” na segment ng Eat Bulaga ay patuloy naman na nangunguna sa mga segment ng noontime show sa parehong NUTAM at RTAM ratings mula sa ulat noong Agosto 29.

Batay naman sa NUTAM segment ratings, halos umabot sa 2% ang nilamang ng “EB Happy” kung saan umabot ito ng 6.36%, sinundan ng isa pang segment ng Eat Bulaga na ‘Little Miss Philippines 2023’ (4.61%), at ng ‘Sugod Bahay’ ng E.A.T. (4.60%).

Samantala, nangingibabaw ang Eat Bulaga sa RTAM segment ratings para sa noontime TV kasama ang ‘EB Happy’ (5.81%), ‘Little Miss Philippines 2023’ (3.83%), ‘G Sa Gedli’ (3.51%), at ‘Ikaw Ang Pinaka’ (2.91%) habang nasa ikalimang pwesto naman ang It’s Showtime na ‘Isip Bata’ na nasa 2.42%.

Meanwhile, Eat Bulaga dominates in RTAM segment ratings for noontime TV with ‘EB Happy’ (5.81%), ‘Little Miss Philippines 2023’ (3.83%), ‘G Sa Gedli’ (3.51%), and ‘Ikaw Ang Pinaka’ (2.91%). Completing the top five noontime segments is It’s Showtime’s ‘Isip Bata’ at 2.42%. Jay Reyes