Home METRO ₱455K tobats nasabat sa Makati drug bust

₱455K tobats nasabat sa Makati drug bust

232
0

MANILA, Philippines – Nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City police ang isang high value individual (HVI) na nakumpiskahan ng mahigit ₱455,000 halaga ng shabu bago maghatinggabi ng Lunes, Hunyo 2.

Kinilala ni Makati City police chief P/Col. Jean Dela Torre ang nadakip na suspek na si alyas Waki, 61, walang trabaho.

Base sa report ng Makati City police kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles, inaresto ang suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipagkoordinasyon sa Sub-Station 1 ng Makati City police dakong alas 11:55 ng gabi sa Barangay Olympia, Makati City.

Sinabi ni Dela Torre na umaktong poseur-buyer ang isang operatiba na imiskor ng isang sachet ng shabu sa halagang ₱500, at nang iabot ang ilegal na droga ay agad na dinakma ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Narekober sa posesyon ng suspek ang isang itim na sling bag na may laman na limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 67 gramo at nagkakahalaga ng ₱455,600, pati na rin ang ₱500 marked money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office.

“This arrest is a result of the continuing intensified operations of Makati Police against illegal drugs. We are committed to taking high-value targets off our streets and ensuring the safety of our communities,” ani Arguelles.
(James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here