Home NATIONWIDE ₱80K ayuda sa babaeng nasa kanal, ipinagtanggol ng DSWD

₱80K ayuda sa babaeng nasa kanal, ipinagtanggol ng DSWD

588
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng ₱80,000 tulong-pangkabuhayan kay “Rose,” ang babaeng nakita sa viral na litrato na lumalabas mula sa imburnal sa Makati.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, kabilang si Rose sa mga pamilyang nasa street situation sa ilalim ng Pag-abot Program ng ahensya na sinimulan noong 2023.

Wala umanong permanenteng tirahan si Rose at hindi kwalipikado sa 4Ps dahil wala siyang anak na menor de edad.

Matapos ang pagsusuri ng social workers at matapos ipahayag ni Rose ang kagustuhang magtayo ng sari-sari store, ipinagkaloob ang ₱80,000 na ayuda.

Nilinaw ni Dumlao na ang halaga ng tulong ay naka-base sa indibidwal na assessment at hindi pare-pareho para sa lahat. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here