Home NATIONWIDE DOJ: Walang special treatment kay Teves

DOJ: Walang special treatment kay Teves

211
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice na walang espesyal na trato si dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. habang dinidinig ang mga kasong kriminal laban sa kanya, kabilang ang pagpaslang kay Gov. Roel Degamo noong 2023 at iba pang kaso ng pagpatay noong 2019.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, pansamantalang nakakulong si Teves sa pasilidad ng NBI sa loob ng BuCor compound sa Muntinlupa habang wala pang pinal na desisyon kung saan siya ililipat.

Idineport si Teves mula Timor-Leste noong Mayo 28 matapos ideklarang banta siya sa pambansang seguridad ng nasabing bansa at sa relasyon nito sa Pilipinas.

Pinagbawalan din siyang makabalik sa loob ng 10 taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here