MANILA, Philippines – Mahigit 1.3 milyong pasyente ang nagamot nang libre sa Department of Health-run (DOH) hospitals sa pamamagitan ng Zero Balance Billing (ZBB) program ng pamahalaan.
Ayon sa DOH, sa social media post nitong Sabado, Enero 24, mula Hulyo hanggang Disyembre 2025 ay may kabuuang P74.65 bilyong halaga ng charges ay sumakop sa mga pasyenteng naka-admit sa basic o ward accommodations.
Ang ZBB program policy ay ipinatutupad sa lahat ng DOH-run hospitals.
Sa ilalim ng 2026 national budget, ang Philippine Heart Center, Lung Center, National Children’s Hospital, at National Kidney and Transplant Institute ay nakatanggap ng karagdagang tig-P1 bilyong suporta sa ZBB lalo na sa complex procedures.
Target din ang P1 bilyong dagdag na pondo sa piling local government unit hospitals.
Nasa 90% ng hospital beds sa DOH facilities ang inilaan para sa basic accommodations, na magbibigay-daan sa 90% ng admitted patients na maging kwalipikado sa ZBB.
Sinabi ng DOH na ang expanded funding ay makatutulong sa pagtugon at pagpapalawak ng access sa libreng hospital services para sa indigent and financially challenged patients. RNT/JGC