MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isa ang nasawi dahil sa ligaw na bala sa gitna ng holiday season habang nadagdagan pa ang bilang ng firecrackers related injuries.
Sa kabuuan, umabot na sa 771 ang kabuuang kaso ng firecrakers-related injuries dahil sa naitalang 39 kaso simula disperas ng Bagong Taon at 16 bagong kaso sa mismong araw ng Bagong Taon.
Sumasakop sa panahon mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 4, 2025 base sa pinakahuling tally.
Ang datos ay iniulat ng 54 sa 62 sentinel sites na binabantayan ng DOH.
Ang kumpirmado ngayon na nasawi ay tatlo. Ang huli ay ang unang kaso ng stray bullet mula Davao del Norte na isang 19-anyos na lalaki .
Sa 771 kabuuang biktima ng firecracker-related injuries, 58.8% o 453 indibidwal ay 19 taong gulang pababa, habang 41.2% o 318 iba pa ay nasa edad 20 o mas mataas.
Mas maraming lalaki na biktima ang nagtamo ng pinsala na may 636 kaso o 82.5%, kaysa sa mga babaeng biktima na umabot sa 135 kaso o 17.5%. Jocelyn Tabangcura-Domenden