Home METRO 1 patay, 16 sugatan sa harurot ng fire truck

1 patay, 16 sugatan sa harurot ng fire truck

BANTAYAN, Cebu- Patay ang isang indibidwal habang 16 ang sugatan matapos biglang humarurot ang fire truck na nakaparada, kagabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Roberto Lim Toñacao, nasa hustong gulang at residente ng Circulo Ticad, Bantayan, habang nilapatan naman ng lunas sa ospital ang 16 sugatan.

Ayon kay Lieutenant Colonel Leo Ty, hepe ng Bantayan Police Station, bandang alas-8:50 ng gabi nang may maganap na sunog sa residential area sa naturang lugar.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng pamatay-sunog kabilang ang fire truck na minamaneho ni Bartolome Bacolod, 37-anyos.

Sinabi ni ni Ty, ipinarada ni Bacolod ang fire truck sa gilid ng kalsada at sinigurado niyang ito ay naka-handbrake at nakalagay sa chocks subalit nagulat na lamang ito nang biglang tumakbo ang sasakyan.

Dito, inararo ang nasa 16 katao na ikinamatay ng isa at maging ang mga sasakyang nakaparada.

Nagbigay naman ng tulong si Madridejos Mayor Romeo Villaceran sa pamilya ng nasawi na P25,000 financial assistance at P10,000 naman sa bawat isang mga nasugatan.

Base sa report ng Bureau of Fire Protection Bantayan, dalawang bahay ang tinupok ng apoy kung saan aabot sa P760,000 halaga ng ari-arian ang nasunog.

Inalaam na rin ng mga awtoridad ang sanhi ng pagliyab. Mary Anne Sapico

Previous articleBarangay official todas sa salpukan ng motorsiklo
Next articleTruck driver patay habang nagkukumpuni ng sasakyan