Home METRO Barangay official todas sa salpukan ng motorsiklo

Barangay official todas sa salpukan ng motorsiklo

LEGAZPI CITY- Patay ang isang opisyal ng barangay habang sugatan ang isa pa sa banggaan nitong Huwebes sa bayan ng Donsol sa Sorsogon.

Inihayag ni Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol police director, na patay sa kolisyon sa isa pang motorsiklo si Jordan Malaguiño, 52, ng Barangay San Isidro ng Dosol, bandang alas-6:26 hapon.

Ani Dizon, habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, nadaanan ni Anthony Mirandilla ang malubak na bahagi ng kalsada dahilan upang maganap ang insidente.

Nagtamo ng mga sugat si Mirandilla at dinala sa ospital, habang idineklarang patay si Malaguiño.

Ayon sa mga pulis, patuloy ang imbestigasyon ukol dito. RNT/SA

Previous articleMabagal na pagbili ng textbooks ng DepEd tatalupan ng Senado
Next article1 patay, 16 sugatan sa harurot ng fire truck