Home METRO Truck driver patay habang nagkukumpuni ng sasakyan

Truck driver patay habang nagkukumpuni ng sasakyan

MANILA, Philippines- Nasawi ang driver ng isang truck nang tumilapon ang katawan nito matapos mabangga ng isang dump truck ang inaayos nitong sasakyan sa kalsada sa Tondo, Manila nitong Biyenes ng madaling araw.

Hindi na nadala pa sa ospital ang hindi nakilalang driver ng isang truck na may plakang ABK 117 na inilarawan na nasa pagitan ng 29-35 anyos, may taas na 5`6, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puting T-shirt at itim na pantalon, dahil sa malalang sugat sa katawan.

Kinilala naman ang driver ng dump truck na may plakang NGR 1947 na si Joseph Amansek, 54, at helper nitong si Ruel Fernandez, na kapwa ginagamot sa Gat Andres Hospital dahil sa tinamong sugat sa katawan dahil sa insidente.

Sa ulat, dakong alas-2:50 ng madaling araw nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd., sa panulukan ng JV Paz St., Tondo, Manila kung saan nakatigil ang truck sa lugar habang inaayos ng biktima.

Minamaneho naman ni Amansek ang isang dump truck at sakay nito ang kanyang helper habang binabagtas ang nasabi ring lugar subalit pagsapit sa panulukan ng JV Paz St., nasagi ng harapang bahagi ng kanyang sasakyan ang likod na bahagi ng truck ng biktima na nakatigil habang inaayos ang sira nito.

Dahil sa pangyayari, tumilapon ang katawan ng biktima sa sementadong bahagi ng kalsada dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian na ito ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article1 patay, 16 sugatan sa harurot ng fire truck
Next articleTulak tiklo sa P374K shabu