Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa karambola sa Laguna

1 patay, 2 sugatan sa karambola sa Laguna

MANILA, Philippines – DEAD on arrival sa Amante Hospital ang drayber ng motorsiklo at dalawa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan matapos na magbanggaan ang mga ito, kabilang ang isang NV350 Van at dalawang motorsiklo, Biyernes ng umaga, Enero 24 sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Rolando Selga y Rolloda, nasa hustong gulang, may-asawa, driver, naninirahan sa Block 6 Phase 3, Barangay Arvimar, Tanza, Cavite.

Sugatan naman sina Marvin Francisco y Tanguinco 37, Fitter, ng Mabait St. Barangay Darangan, Binangonan, Rizal at Charlie Escano y Campena, 29, helper, nakatira sa Amil Compound, Batangay Magsaysay, San Pedro City, Laguna.

Samantalang, pansamantalang nasa kustodiya ng San Pedro City Police Station ang driver ng NV350 van na si Jesthony Muñoz y Arcellas 29, residente ng Block 1 Lot 26 Cardinal St. Annex Camella Homes Woodhill, Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna.

Base sa inisyal na report ni PLt Col. Alfie Salang, hepe ng San Pedro City Police Station kay P/Col. Ricardo Dalmacia Provincial Director ng Laguna PPO, dakong-6:30 ng umaga habang kapwa tinatahak ng NV35O na may plakang NDN – 6306 na minamaneho ni Muñoz at Yamaha Mio Motorcycle na may file no. plate 401-0430940 na minamaneho ni Escano ay patungo sa direksyon ng silangan, samantalang ang nasawi (Selga) ay lulan ng Honda Click Model 2020 na may plakang 404 – TQM na patungo sa kanluran.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na pagdating sa pakurbang kalsada ay nagawang mag overtake ang Honda Click na minamaneho ng nasawi (Selga) kung saan napunta ito sa kabilang linya, na humantong sa aksidente nitong masalpok ang paparating na NV350 na bumangga naman sa motorsiklong Yamaha Mio na minamaneho ni Escano.

Kaagad namang isinugod sa Amante Hospital ang nasawi na si Selga, gayundin ang angkas nito at driver na si Escano na kapwa sugatan. Ellen Apostol