Home METRO 1 patay, 3 sugatan sa sunog

1 patay, 3 sugatan sa sunog

106
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang indibidwal habang tatlo ang sugatan sa sunog sa isang bahay sa Cainta, Rizal nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na isang 48-anyos na babae, ayon sa ulat.

Bumalik siya sa nasusunog nilang bahay sa Greenpark Subdivision sa Barangay San Isidro upang kunin ang kanyang laptop sa ikalawang palapag subalit hindi na siya nakalabas.

Nagtamo ang ina at kapatid ng biktima ng first-degree burns.

Nasugatan din ang isang bumbero sa kamay.

Nagsasagawa na ang Bureau of Fire Protection ng mopping up operations sa kasalukuyan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here