Home HOME BANNER STORY 1 patay sa lumubog na bangka sa Romblon

1 patay sa lumubog na bangka sa Romblon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Philippine Coast Guard District Southern Tagalog, CG Commodore Geronimo Tuvilla, na isa ang patay sa lumubog na motorized banca sa Romblon nitong Sabado, Agosto 5.

Ayon sa PCG, sa 95 na sakay ng bangka, 89 rito ang pasahero at limang crew.

Habang ang isa ay nasawi dahil sa cardiac arrest.

Alas-12:30 ng tanghali nang lumubog ang MBCa King Sto. Niño 7 nang mangyari ang insidente dahil sa malakas na hangin.

Agad na tumulong ang PCG rescue team at isinakay sa MBCA “Mark Jet 4” at MBCA “Corcuera Liners Inc” ang mga pasahero patungong pampang ng Brgy. Ilijan, Corcuera, Romblon.

Ayon sa PCG, bago naglayag ang bangka ay ininspeksyon ito ng kanilang tauhan, maaraw at may mga life vest ding suot ang pasahero.

Bukod dito, hindi naman overloading ang bangka. Jocelyn Tabangcura-Domenden