Home ENTERTAINMENT Lolit, may babala sa PTV4 kung pagbibigyan si Willie!

Lolit, may babala sa PTV4 kung pagbibigyan si Willie!

Manila, Philippines – Umamin na nga si Willie Revillame na may ongoing talks siya sa dalawang TV networks for the possible return of his program Wowowin.

Nakikipagnegosasyon ang TV host sa IBC 13 at PTV4 through their respective heads.

Kung tutuusin, eager naman ang dalawang istasyon to take Willie in.

Thrust din naman kasi ng two networks na mag-infuse ng entertainment na tatangkilikin ng mga manonood.

‘Yun nga lang, hindi pa man nagkakasarahan ng deal ay may mga naglipana nang naysayers.

One of them who’s playing devil’s advocate ay ang talent manager na si Lolit Solis.

Tahasan kasing sinasabi ni Lolit na wala na ang dating ningning meron si Willie.

In short, laos na.

Payo nga ni Lolit kay Willie, antayin daw nitong hanapin siya ng tao and not the other way around.

Tanggapin na rin daw ni Willie ang katotohanang his time is up.

Kung sakali raw na madadala ni Willie ang Wowowin sa PTV4 ay magugulo lang daw ang magandang pamamalakad sa government station.

Liability at hindi asset daw na maituturing si Willie sa istasyon, kaya huwag na raw itong magpilit.

Sa kkabila ng pagnenega niya kay Willie ay itinanggi ni Lolit na she’s mean to the TV host.

Hanggang ngayon kasi’y hindi mapatawad ni Lolit si Willie sa pagsibak ng dating talent coordinator ng Wowowin.

Ang tinutukoy ni Lolit ay si Jopay MaƱago na dati rin niyang nakatrabaho at malapit na kaibigan.

Si Willie raw, ani Lolit, ang dahilan kung bakit nasa home for the elderly si Jopay buhat nang tanggalin sa Wowowin.

Ang punto naman ng mga netizens, bakit kailangang ibunton ang sisi kay Willie?

Bakit hindi ang mga kamag-anak ng dating talent coordinator na dapat kumakandili rito?

Isa pa, kung makapagsalita raw si Lolit ay akala mo’y hindi rin siya nakinabang kahit paano kay Willie noong may show pa ito?

Mungkahi tuloy ng mga maka-Willy para tigilan siya ni Lolit: simple lang.

Datung!

Magpadala ito ng sobre! Ronnie Carrasco III

Previous articleBuboy, basag sa IG!
Next article1 patay sa lumubog na bangka sa Romblon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here